Sa gitna ng ulap at buwan,
Isang bituin na nagniningning ang karimlan
Mga matang napupuno ng kaligayahan,
Bibig na sinisigaw ang pangalan
Mga letrang nabubuo sa bawat hampas ng alon
Mabigat man ang dalahin, ito'y papasanin
Salitang hindi man mabigkas ngunit naglalayon
Na masabi sa hinaharap, pag-ibig na nararamdaman
Oras ay daraan
Takbo ay tutulin
Ngunit ang pag-ibig na pinangako, di lilisanin
Sa dakong paraiso, walang hindi kakayanin
Ngunit paano kung walang mapuntahan
Salitang galing sa puso at kabuuan,
Matatanggap kaya ng pusong nananahan
O mapunta nalang sa dako ng kakahuyan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento